the places you have come to fear the most.

Sunday, April 09, 2006

?

Ewan ko ba. Ngayon ay isang pagkasaya sayang araw. Ngunit hindi. Aba't aywan ko ba. Minsan ako'y matutulala na lamang at hindi ko na alam ang aking nakikita pagka't ang aking utak ay napadpad na sa kung saan. At hindi ko alam kung saang lugar yun. Tila lumilipad ako sa isang malayong bahagi ng ewan ano ba universe sa tagalog? Daigdig? Tumpak! Daigdig ata. Sa kahit anong direksyon, sa aking palagay ang lahat ng tao ay may kakaibang pamumuhay sa kanilang isipan. Kailangan lamang itong parating bisitahin pagka't makulay ang mundong ito. Ito ag nagpapasaya sa akin. Kapag ako ay nalulungkot na, maiisip ko nalang na maari akong makarating sa mundong ito kung aking ipipikit lamang ang aking mga mata at dito rin maaari akong makalipad at kung ano ano pa. Bakit nga ba kailangan natin laging makatakas sa totoong buhay? Bakit lagi tayo nanonood ng TV nakikinig ng musika nagiisip ng kung ano ano at gumagawa ng kung ano anong bisyo? Bakit pa labo na ng pa labo ang mga nangyayari sa buhay at bakit nais kong mawala? Bakit wala nang bahay na kahon pag bumibili ako ng happy meal? Bakit nakakaasar si Atoy? Bakit ang daming lumalapit sayong mga tao na maayos naman ngunit di makontento pagkat isa lang gusto mo? Ito na lang ba mangyayari? Magsusulat, magkuha ng larawan, magddrowing, aalis sa kung san sang mga lugar, magoonline sa ym, matutulog magpapalipas ng oras sa maraming bagay na nawalan na naman ng katuturan pagka't may iba kang gustong maatim? Bakit dun napunta ang sinusulat ko? Eh sa iba ko naman sinimulan. Ganun na ba ang buhay ngayon? Sa iba mo sisimulan, iba ang iyong pakay ngunit makakarating sa kung saan at di mo naman ginusto ngunit kailangan mo gustohin pagka't wala ka namang ibang maaring puntahan kundi kung saan mo nailagay ang sarili mo. Bakit kapag may nangyaring masama sayo hindi mo masabi kasi kahit di mo kasalanan hindi mo rin alam? Masyado na bang lumalabo utak mo para gawin yung tamang bagay? Hindi ko rin alam kasi kung alam ko ang dami ko na sanang nagawa na matagal ko nang gusto gawin at siguro mas masaya ako ngayon pero hindi. Ninananais ba to ng Diyos? Bakit tuwing merong nangyayaring masama, mawawala ang paninindigan mo sa kanya o magiging sobra kang relihiyosa mawawala na sarili mong mga opinyon sa mga bagay bagay. Hindi ba pwede yung hindi ka nalang sobrang maaapektohan? Masyado sigurong malaki yung mga pangyayari at alam kong maraming maiiiba. Isa lang ang paraan. Naliliwanagan na ako ngayon. Pagdating na pagdating niya ngayon, yun na. Ayokong tinatapakan ako. Hindi na ako ganun. Ganun pa rin ako sa ibang bagay ngunit dito, ayoko. Ang aking pagkatao ay nawawalan ng dignidad. Alam kong wala namang makaiintindi dito. Pero hindi talaga pwede. Hindi to isang maliit na bagay lamang... Mahal ko siya pagka't kailangan...ngunit, mahal ko rin sarili ko.

2 Comments:

Blogger Justin said...

hmmm lalim ng pinaghugutan non tsaka tigas ung part na sisimulan mo sa iba tas magiging iba pati ung entry mo ganun la lang astig idea

anywho cheer up the world smiles for you haha d ko gets un pero naisip ko lang e haha

7:32 PM

 
Anonymous Anonymous said...

ang dami kong kwento i swear haha hindi na kasi ako nakakaym ehh

thank you forever :D

1:23 PM

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home